Wednesday, March 19, 2008

Payong





Paglalaan:


Sa dakilang Diyos ng pag-ibig at paglalaan…
Sa langit, sa buwan at mga bituin na tanglaw ng aking buhay…
Sa mga dahon sa puno ng akasya na niyayakap ng hangin sa pagbagsak ng mga ito…
At sa haring araw na sumsikat pagkatapos ng bawat ulan at unos na dumadating sa buhay ko…
Sa payong na naging kanlungan ng aking pagkatao sa bawat iyak ng langit…
At sa payong ng pagmamahal ng isang tao, na nandiyan upang ako ay payungan…
Gaano man kalakas o kahina ang ulan.

Prolog:

“Ring ring…”
Alas otso na ng umaga ngunit nagising ako na walang araw na lumiliwanag mula sa langit. Makulimlim at may konting kalamigan na bumabalot sa bawat hampas ng hangin na nanggagaling mula sa bintana ng aking kwarto. Nanatili akong nakahiga sa kama, nakatingin sa kisame; halos blangko ang pag-iisip hanggang sa makarinig ako ng katok sa kwarto. Binuksan ko at nakita ko ang kapatid ko, kakain na daw. Bumaba ako sa may kusina at nakita ko na kumakain na sila ng agahan. Umupo ako at sinimulan ko na ring kumain.
“Tak, tak tak…”
Narinig ko na lang ang ingay na iyon sa bubong ng bahay at nakita ko na nagsisimula ng bumuhos ang ulan mula sa mga ulap. Bawat minutong lumilipas, nararamdaman kong palakas ng palakas ang pagpatak ng mga ito. Nagtimpla ako ng kape at bumalik sa kwarto ko para tumambay at magpalipas ng oras. Kumuha ako ng yosi at tumambay sa may terrace; pinapanuod ang walang humpay na iyak ng langit na sinasalong lahat ng lupa. Kahit ganun pa man, madami pa ding tao ang nakikita mong naglalakad; sumusulong sa bawat patak ng ulan. May ibang tumatakbo at parang pilit na umiiwas mabasa, meron namang halos gustong maligo.
Sa malayo, nakita ko ang isang babae na nakapayong. Marahan ang paglakad sa kalyeng basang-basa na sa mga luha ng langit. Dahan dahan siya sa paglalakad at makikita mong halos mabasa na ang suot niyang damit sa pagtilamsik ng tubig mula sa mga lubak at ungkab ng lupa. Humangin ng malakas at paumanoy tangayin ng hangin ang payong ng babae. Umihip at halos ilipad ng hangin ang payong na dala niya; muntik pa itong masira at mawasak. Dali-dali siyang sumilong sa isang sulok ng kalsada habang inaayos ang payong na dala niya.
Tuloy pa din ang buhos ng ulan. Tila may unos na nagbabadya sa araw na ito. Unos na minsan lang dumating ngunit hirap at pasakit ang dala. Mapasandali man o matagal ang pagdating nito, siguradong meron at merong masasaktan, meron at merong mahihirapan. Malamang masasabi natin na sa buhay at pag-ibig, may mga bagay at pangyayari na masasabi nating parang unos; bagyo sa ating buhay. Mga pagsubok at sitwasyon na kung saan masusubok kung gaano ka katatag sa bawat hagupit ng hangin at sa bawat buhos at patak ng ulan. Bagyong minsan sa tingin natin ay di na lilipas at magiiwan ng markang hindi kukupas.
Halos isang oras na akong nakatayo sa terrace ng bigla kong nakita ang isang lalaki na lumabas ng bahay niya. Dala ang kanyang payong, nagsimula siyang lumakad palabas ng gate; pakiwari ko ay may bibilhin sa tindahan sa kanto. Pinagmasdan ko ang kanyang galaw; mabilis, nagmamadali. Hindi inaalintana ang lakas ng hangin at ang ulan; walang pakialam kung mababasa siya o hindi.
Bigla siyang tumigil sa kinatatayuan ng babaeng sumilong sa isang sulok ng kalsada. Tumayo sandali at tila tumingin sa babaeng ngayon ay halos basa na. Maya maya ay dumiretso na siya sa paglalakad hanggang lumiko sa kanto at nawala na sa aking paningin. Ilang sandali pa lamang ay muli kong nakita ang lalaki na iyon at muling huminto sa kinatatayuan ng babae. Medyo nagtagal siya sa pagtitig dito. Napatingin ang babae sa kanya; naging sanhi upang siya ay mapayuko at itago ang kanyang mga tingin sa payong niya; dumiretso at pumasok na sa bahay niya habang ang babae ay nakatingin sa bawat yapak at lakad ng lalaki na iyon.
Napagod ako sa kakatayo. Aminado ako na medyo inaantok pa ako kahit na nakailang baso na ako ng kape at halos limang sigarilyo dahil sa lamig ng panahon na dala ng ulan. Pakiramdam ko ay panaginip lang ang mga nakikita ko sa kalsada; mga panaginip na binubuhay ngunit tinatakluban ng buhos ng ulan.
Umupo ako sa silya ng biglang humangin ng malakas. Nabasa ng konting ulan ang aking mukha na nagtulak upang magising ako ng tuluyan. Hindi ako nananaginip at tunay ang aking mga nakikita, nadarama at iniisip.
Muli ay napatingin ako sa kalye, sa madilim na langit at sa ulang bumabagsak mula dito. Sa eskinita malapit sa bahay ay may lumabas na dalawang tao, magkasukob sa isang payong. May kaliitan ang payong na dala nila pero hindi ito naging dahilan upang hindi sila magsama sa ilalim nito. Dahan-dahan silang lumakad sa ulan at pinilit na wag mabasa ang isa sa kanila. Magkaakbay at halos magakayakap, lumakad sila at pinagsaluhan ang payong na nagsilbing kanlungan nila mula sa ulan. Walang nauuna, walang naiiwan. Kahit gaano man kahirap na magsama sa iisang payong, tiniis nila; wag lang mabasa ang isa sa kanila.
Naalala ko ang mga oras na naliligo ako sa ulan kasama ang mga kaibigan ko. Sabay-sabay kaming nababasa at masaya habang bumabagsak ang ulan sa aming ulo. Bumalik sa aking isip ang minsang pagpaligo ko sa ulan ng mag-isa; problemado at halos isabay ko sa buhos ng ulan ang pagbagsak ng mga luha at ang pagdaloy ng aking mga emosyon. Naghihintay sa isang taong dadating upang ako ay payungan at isilong mula sa ulan. Naalala ko din na minsan sa buhay ko, may isang taong sumabay sa akin sa bawat ulan ng buhay; nandyan at hinimlay ako sa payong ng pagkalinga at pagmamahal niya.
Humina na ang ulan.
Unti-unti ay bigla ng lumiwanag ang langit at nagpakita na ang araw mula sa pagkakatago nito mula sa makakapal na ulap.
Napansin ko na naglakad na ulit ang babaeng nakasilong sa isang sulok upang pumunta sa kaniyang pupuntahan.
Ang lalaki naman biglang lumabas ng kaniyang bahay upang linisin ang mga dahong bumagsak mula sa puno ng akasya.
At ang dalawang tao na sukob ng isang payong, patuloy pa din sa paglalakad sa basang kalye. Hindi tinanggal ang payong na pinagsaluhan nila habang ang unos ay bumubuhos sa kanilang buhay.
Huling higop ng kape sa aking baso. Huling hithit ng yosi sa aking kanang kamay.
Napasulyap ako sa langit at nakita ko na tuluyan ng huminto ang ulan. Tapos na ang halos isang unos na bumalot sa araw na iyon.
Ngunit alam kong isa lang ito sa mga unos na dadating sa aking buhay at sa buhay ng ibang tao. Hindi ko masasabi kung kelan at kung ilan pa ang maaaring dumating. Hindi ko alam kung gaano kalakas ang mga susunod.
Ngunit ganun pa man, kailangan kong maging handa.
Alam kong maaari akong mabasa tulad ng babae sa kalye; halos walang kalaban-laban at muntik ng bumigay sa ulan.
Maaari akong maglakad magisa ng walang pakialam tulad ng lalaking nakapayong; walang kasama at halos walang pakialam sa ulan na bumubuhos.
Ngunit nandun pa rin ang pangarap na maglakad sa ulan ng may kasama; sa ilalim ng isang payong na magiging kanlungan ng aming pagkatao sa bawat hagupit ng unos ng buhay at pag-ibig.
Sa ilalim ng isang payong; kasukob ang taong nandyan para ako ay samahan at payungan.
Gaano man kalakas ang bagyo.
Gaano man kahina ang ulan.
Pumasok na ako sa kwarto at inayos ang aking kama.
“Beep beep…”
Tumunog ang aking telepeno, may mensaheng dumating mula sa isang di inaasahang tao.
Binasa ko ang mensahe at tanging ngiti na lang ang aking naging reaksyon sa aking nabasa…
Isang ngiti na nagliwanag pagkatapos ng isang masungit na panahon sa aking buhay…


Epilog:
Ang buhay at ang ulan.
Realidad na sa buhay natin ang mga ulan na dumadating. Mga problema at pagsubok. Mga unos na halos hindi matapos-tapos at nag-iiwan ng marka sa paglisan ng mga ito.
Ang ulan at ang pag-ibig.
Isang katotohanan na ang pag-ibig sa isang tao ay may mga pagsubok ng kaakibat. Tanggapin man natin o hindi, parte na ito ng desisyon na ginawa natin. Isang mikrokosmo na nangyayari sa isang mas malaking konteksto sa buhay ng isang tao. Isang katotohanan na lalong pinagtibay ng pilosopiya ng pag-ibig ngunit maaari ding mawasak relatibo sa kung paano natin ito iintindihin.
Ang pag-ibig at ang payong.
Ang pagmamahal sa isang tao ay may kaakibat na responsibilidad; responsibilidad na tumayo at samahan ang taong iyon kung ano man ang mangyari. Protektahan ito sa kung ano man ang maaaring makasama sa kanya, at maging sa sarili mo. Kailangan mong gumawa ng isang payong na magsisilbing kanlungan niyong dalawa sa kung ano man ang pwedeng mangyari.
Ang buhay, ang ulan, ang pag-ibig at ang payong.
Sa buhay, may mga pagsubok na darating at kailangan natin itong harapin. Ulan na maituturing ang mga ito, susubukin kung gaano ka katatag. Sa isang tao na nagmamahal at umiibig, hindi na maiaalis na may nagbabadyang unos na maaaring bumuhos ano mang oras, saan mang lugar.
Pwede kang mag-isa habang nababasa, pwedeng matibay ang payong mo habang nakasukob ka dito at pinapanuod ang iba.
Ngunit nandun pa din ang payong na pinagsasaluhan ng dalawang tao; matibay na magkahawak habang nakasukob sa payong ng pagmamahal. Handang sumugod sa bawat ulan at unos ng buhay. Walang nauuna, walang naiiwan. Hindi titigil sa pagharap sa kung ano man ang pwedeng dumating hanggang tumila ang ulan at sumikat ang araw mula sa kalangitan.

Friday, February 15, 2008

Change: A Realization

i am sitting in this coffee shop in a mall, enjoying a cup of latte and a cigarette. i face the front mirror of the cafe, watching people outside passing by (good tactic to hunt for cute faces as well haha, anyway). watching each person pass by the cafe, it came into my attention this couple (yes, a male couple) who entered the door and sat by a table almost near me. stared at them closely while sipping my cup when the other guy almost tripped; but his partner actually got his back and put him back on his feet.
wow. thats so nice. i tried to take my eyes off on what they are doing so not to cause any commotion if ever caught haha. but as i am doing this blog on my laptop, i cant help but oversee what they are doing and overhear what they are talking about.
a guy of almost 30 if i may say and a guy of age 22 or 23. sit on that table. they talk about almost anything they could imagine of; asking one another how their day was, how was everything, almost a sponatneous talk between the two of them actually, not a topic at hand nor an issue being discussed. they are just so happy talking to one another. then the phone of older guy rang; he answered it. i tried to hear whats being talked over the phone (tsismoso haha), but i couldnt. i just saw the face of the other guy turned from a lively face to a grey one. after the phone talk, the air between the two went dead, as if no one would like to speak, no one would like to open-up.
"was that your ex? or one of your so-called friends?" asked the other guy in a low voice.
"no, that was no one." said the other guy. and the air went dead for quite a while.
then the older guy started to explain in a low voice what the phone call was all about. i really dont mind overhearing their conversation, but what caught my attention was when taers started rolling down on the cheeks of the other guy. now, this is something that i shouldnt see and shouldnt interfere with. theres only three people inside the cafe that we are in and it seems like for the two of them, i am not included on the number.
the other guy tried to comfort the other guy, brnging out a handkechief off from his pocket and wiping the falling tears off from his partner. then he held up the other guys chin; i heard him saying "i love you and no one would replace you in my heart no matter what" (thats really heart-warming). then he started to kiss the other guy, in the lips, as if they are the only people inside the room.
after the scene, i looked back on my pc, pretending that i saw nohing but i know that the couple is looking at me now. i lifted my head, and yes; they were looking at me with a smile on their faces...
"bro, pasensya na kung naiistorbo ka namin ha. hope you understand..." are the exact words of apaology that the crying guy told me.
i just smiled and said "ok lang yun. i know what youre going through kasi ganyan din ang nangyari sa akin dati. i understand, no need to explain."
they introduced theirselves and i introuced mine as well. they have been together for the past 4 years now and still, they go strong to survive each day no matter who or what comes their way. quite a chit-chat with some strangers ei, hahaha, but at least thats one step of knowing other people like us.
then i continue what i was doing, and ordered another round of latte. dont have plans of going home yet, when this person entered the doors of the cafe. he sat on the very corner of the cafe, scribbling on his phone, making calls but no one seems to answer his calls. then alas, another guy entered the shop and approached him...
"ang tagal mo, san ka ba galing? bakit ngayon ka lang?" asked the guy who waited.
"sorry, may inasikaso lang ako. by the way, i am *****, nice to meet you." said the guy who just went in. "so, saan tayo pupunta?" he followed up.
"movie? gusto mo manood?" asked the first guy. the other guy just nodded.
they went silent for a while as if communicating through their eyes. then they both leave the cafe door and went on to do their business, whatever that might be.
hahaha. what a day, i told myself.
after three cups of latte and almost 7 cigars, i decided to go home and rest, but just when i thought that my day was about to be over, it wasnt.
i was waiting for a bus to take me to the terminal home, when there was this guy who, is just a few meters away, waited with me.
whew, just when i thought that i have to take a cab, the last trip home came. i rode the bus first then he came next.
i sat somewhere in the middle and he sat just a few seats right in front of me. i plugged in my headset to listen to my mp3 player when i heard him speaking in an almost-crying tone. its still fresh on my memory; the exact words that he actually said over the phone to whoever he was speaking with...
"kala ko ba ok na ang lahat? bakit ngayon nakikipaghiwalay ka? ano pa ba gusto mo gawin ko para lang magpatuloy to?" he said...
i was shocked when i heard what he said. but the shocking part was yet to come.
"mahal na mahal kita. ayaw ko mang gawin ang gusto mo pero ilang ulit ko na ginawa ang dapat kong gawin pero parang ayaw mo na din talaga. i will give up, pero wag mong sabihing hindi kita minahal at pinahalagahan."
he shut his phone, bowed down with his right hand on his eyes and started to cry. the driver didnt even notice what had happened because he was busy driving. so it was only i who saw and heard the entire thing.
again, i pretended that i didnt see the whole thing. but this guy looked back at me, as if communicating with me eye-to-eye. i easily connected to what he would like to happen. i sat on the opposite aisle seat beside him and asked him whats wrong and how i could help.
another break-up case. his bf, well, ex-bf now, broke up with him. the reason was quite shallow, but reasons are reasons, and no matter how shallow the reason is, he must respect it. and he respected the reason though we both knew that its quite shallow.
they have been quite a couple for months when this thing happened betwen them. time constraints, coldness etc etc. but he was trying his best to salvage whats remaining and make it as the foundation to start over again; but it seems hat the other guy easily gave up. i know how much he loves his ex. he wouldnt go that emotional and would dare talk to me if not right?
so we talk and talk, discussed and shared some thoughts as the last bus trip reached my house and his house.
"salamat ha, kahit papaano may napagbuhusan ako ng sama ng loob at may nakausap ng matino." told to me by that guy.
"ok lang yun. try to move on, kahit mahirap man sa ngayon." i said...
then the bus stopped on the terminal and we both got off the bus. i bid goodbye and he bid goodbye.
and so here i am, i walked and walked in this road where everyone seems to be a stranger to each other. other walks with someone, others alone. some trip but others would help them to get up on their feet; some trip and get up on their own, no one even noticing that they are stepping on other people.
in this world of a billion individuals, we tend to meet people of different faces and beliefs; some intend to stay and touch our lives in a million ways; some just passing by and be gone like a dust blown by the wind. some would leave a mark in your heart and soul and; some unintentionally leaving a wound that would take time to heal. but all of these ultimately entails one action that has been constant to each and every individual.
CHANGE
all these years, i have met different people. some had been a part of my life until now, and some have been passerby's. but each and every person that i have met contributed to what i am right now. they actually changed my life in ways i never expected. the cahnges might be small, or might be big and serve as turning points in my life, but i dont care what amount of change they brought into my life. and i thank those people for doing that.
so here i am, a changed guy if you may, still walking the path of a bisexual guy, hoping that someday, someone would walk just right beside me. someone who intend to stay and never let go no matter what happens as we walk the road, leading to an uncertain ending...

Tuesday, February 12, 2008

Byahe ng Jip




Paglalaan:



Sa mga taong naging kasabay ko sa byahe ng jeep sa bawat araw ng aking buhay…
Sa dakilang Diyos ng pag-ibig at paglalaan; ang buwan, ang langit at ang mga bituin; ang mga dahon sa puno ng akasya at ang hangin na yumayakap sa pagbagsak ng mga ito; ang haring araw at ang bawat bukas na dinadala nito sa aking paggising…




At sa taong sumakay sa jeep na sinasakyan ko, sa di inaasahang pagkakataon at lugar. Sa Isang taong sumabay at sasabay sa akin sa bawat trapik ng kalsadang tatahakin ng jip na sinasakyan namin, maging malubak man o masalimuot ang daan, ilang pasahero man ang sumakay at bumaba, masiraan man ang jip sa daan patungo sa kung saan man at ilang milya man ang layo ng daan na aking tatahakin, kakayanin ko ito hanggat alam kong nandyan siya tabi ko, sa byahe ng buhay…






Prolog:



“Beep! Beep!”



Alas-otso ng umaga sa Baguio, nakatayo ako sa isang tindahan sa kanto ng boarding house namin. Nakita ko ang isang jip na tumatakbo papunta sa kanto kung saan ako naghihintay. Pinara ko ang jip sa malayo pa lang para tumigil at isakay ako. Tumapat ang jip sa aking kinatatayuan at ako ay sumakay dito. Magisa pa lang ako sa jip nung sumakay ako dito. Pwede ka nga humiga sa loob nito habang umaandar.



Mabagal ang takbo ng jip. Naghahakot kasi ng pasahero. Pansin ko din na medyo lubak-lubak ang kalsada kung saan dumadaan ang jeep. Halos sumakit ang pwetan ko sa bawat balok na dinadaanan ng aking sinasakyan. Huminto ang jip at napansin kong may sumakay na grupo ng estudyante; umupo sa kabilang dulo, maiingay, nagkekwentuhan. Sa kalagitnaan ng biyahe ay nahirapan ang driver sa pagmamaneho. Medyo pataas at matarik ang dinadaanan niyang kalsada ngayon. Ramdam mo ang bigat ng jip sa pasalungang lansangan at ng makarating kami sa tuktok ay may sumakay na isang lalaki at isang babae. Dun sila sa harap ko pumwesyo, nakayakap si lalaki kay babae. Ang sweet, kung baga.



Kada kanto na tinitigilan namin, iba’t-ibang tao ang sumasakay sa jip na nung una ay ako lamang ang laman. May matatanda, may bata; ibat-ibang itsura, iba’t ibang sekswalidad.
Sa wakas, nasa mismong siyudad na ang jip na aming sinasakyan. Paliku-liko ang kalsada; nakakahilo. Maya-maya pay nandyan na ang trapik. Ibat ibang jip; sala-salabat, buhol-buhol. Halos maduling ang mga mata mo sa dami nila. May ibang puno ng pasahero, may ibang konti lang ang laman, may iba naman na walang taong nakasakay.



“UP! Meron bang UP dyan?!?” Sigaw ng driver habang pinapabagal niya ang takbo ng jip.



“Para po manong, dyan lang sa tabi…” Sabi ko naman.



Tumigil ang jip at binaba ako nito sa gate ng eskwelahan ko.



Miyerkules ng mga kapanahunang iyon. Wala akong klase pero kailangan kong pumunta sa eskwelahan para kumuha ng mga libro at mag-edit ng thesis. Kikitain ko pati ang iba kong kaklase para kunin ang ibang notes nila sa ibang subjects na hindi ko madalas pasukan (delingkwente…).



Matapos kong gawin ang mga bagay na yun, umupo ako sa ilalim ni Manong Oble, tanaw ang kalsadang halos apat na taon kong dinadaanan. Apat na taong tinatahak ng bawat jip na sinasakyan ko sa bawat araw na pumapasok ako sa UP; sa tuwing pupunta ako sa Session Road at sa SM; sa tuwing gusto kong umalis ng bahay at magikot-ikot; sa tuwing wala akong magawa sa aking pag-iisa.



Lumalamig na ang hangin at halos maging itim na ang langit. Sa ilalim ni Manong Oble, tumayo ako at tumungo sa Session Road upang kumain at tuluyan ng umuwi. Sa terminal ng jip, nakapila ang mga tao habang naghihintay ng masasakyan. Matagal din bago dumating ang mga jip. Halos isang oras ako naghintay at nakatayo bago ako nakasakay.



Di tulad ng biyahe sa umaga, siksikan ang jip pag byahe nito sa gabi. Halos hindi ako makagalaw sa loob.



“Manong, Bakakeng Norte po, estudyante…” Habang inaabot ko ang bayad sa lalaking katabi ko sa jip.



Ngiti lang ang sinalubong niya sa akin at salamat naman ang aking nasambit pabalik.



Maya-maya pa’y, isa-isa kong napansin na bumababa na ang mga pasahero. Lumuluwag na ang jip at sa kalagitnaan ng byahe ay tipong wala na sa lima ang bilang ng sakay nito. Naging apat, tatlo, dalawa at bago makarating sa bahay, ay ako na lamang ang nag-iisang tao sa loob.



“Para po!” Sigaw ko sa driver ng jip.



Saktong tigil nito sa harap ng boarding house. Bumaba ako at tuloy ng pumasok sa bahay.

Nandun na lahat ng mga boardmates ko, nag-iinuman na.



“O, bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin tinatawagan ah. Shot na!” sabi ng isa kong kasama.



“Sandali lang. Magbibihis lang ako…” ang aking paalam.



Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako sa may kusina, umupo at kinuha ang gitara, sabay tira sa mga kwerdas nito at abot naman ng tagay sa akin ng aking katabi.



“Buti may nasakyan ka pang jip? Halos wala ng nakaparada kanina nung pumunta ako ng terminal eh. Naghintay ka ba dun?” tanong niya sa akin.



“Oo. Naghintay ako dun. Kahit na matagal, ok lang.” sabay ngiti at tagay sa isang baso ng alak.



Natapos ang inuman namin at patapos na ang gabi. Bukas, sasakay na naman ako sa isang jip. Ibat-ibang tao muli ang aking makikita. Madalas akong sumakay ng jeep. Sa araw araw pagpunta ko sa kung saan man, nandyan ang jeep para dalhin ako sa kung saan man gusto kong pumunta. Minsan, ako lang ang laman ng jeep at kung minsan naman ay siksikan na sa dami ng pasahero; iba’t-ibang katauhan, iba’t-ibang mukha at personalidad. Maaaring nakasakay ko na dati pa o pwedeng isang bagong mukha. Maluwag man o siksikan, magisa man o may kasama, alam kong sa bawat bukas na darating, sasakay at sasakay pa rin ako sa isang jip. Gaano man kalubak o kakinis ang daan, pataas man o pabulusok ang kalsada, kahit na diretso o paikut-ikot ang lansangan; nandyan pa din ang jip. Naghihintay lang na parahin ko para aking sakyan…







Epilog:



Ang pag-ibig ay parang isang biyahe ng jip sa kalsada ng buhay. Sa biyahe, ang daan ay pwedeng maging malubak, baku-bako, pataas; mga problemang madalas makaengkwentro sa bawat byahe na tatahakin mo. Minsan naman ay pwedeng makinis, diretso; para bang walang maling mangyayari. Minsan, hindi masisiraan sa daan ang jip, kung minsan naman ay palpak ang byahe at kailangan mong sumakay sa iba.

Sa kabila ng bawat biyahe na nasakyan ko, ni minsan ay di ko naranasang sumakay sa isang jip ng may kasabay. Laging mag-isa, walang kasama. Minsan, pumapasok na sa aking isip na pangahbang-buhay na ang ganitong sitwasyon. Sa bawat araw na nilikha ng Diyos ng pag-ibig at paglalaan, hindi ako umaasang may makakasabay at may makakatabi sa bawat byaheng sinasakyan ko.

Pero sa isang di inaasahang pagkakataon, lugar at panahon, may isang taong sumabay sa akin sa biyahe ng buhay at ng pag-ibig. Isang taong hindi ako iniwan sa kabila ng kung ano mang klase ng daan ang aming dadaanan; matiyagang hinintay ang bawat trapik na makaraos upang muling umandar ang jip, at higit sa lahat, tinapos ang bawat biyahe ng jip na sinakyan naming dalwa ng hindi ako iniiwang mag-isa.



Alam ko na ang byahe na sinakyan, sinasakyan at sasakyan nating dalwa ay walang kasiguraduhan; di natin alam kung saan hahantong ang mga ito. Gayun pa man, napakasaya ko dahil ikaw ang taong nakatabi at nakasama ko sa mga byaheng iyon. Ang taong alam kong sasabay sa bawat byahe na sasakyan ko. Ang taong mamahalin ko. Ang taong pinakamamahal ko…

*************************************************************************************
para kay batman
mahal na mahal kita
para sa iyo ito

Wednesday, February 6, 2008

Bangkang Papel




...


"Bago ko simulan ang bagong lathalain sa aking pahina, nais ko munang pasalamatan ang dakilang Diyos ng pag-ibig at paglalaan; ang mga dahon sa puno ng akasya na patuloy na niyayakap ng hangin habang nalalagas ito; ang langit, mga bituin at ang buwan na naging saksi sa buhay ko at ang araw; ang haring araw na pilit mang itago ng mga ulap sa himpapawid, ay patuloy pa ring sumisikat sa aking mundo upang maging gabay at simbolo ng isang-daang milyang lansangan patungo sa kung saan man ang aking pupuntahan..."


Prolog:

"Maraming salamat sa pagtawag. Maging masaya ka sana..."

"toot... toot..."

Isa iyon sa mga araw na masasabi kong normal na sa akin. Ang araw na iwan ka ng iyong taong minamahal. Masalimuot, masakit pero kailangang tanggapin. Pilit kong ngumiti para hindi mapansin ng aking mga kasama ang kalungkutan na aking nadarama; pinipilit kong ngumiti kahit sa loob ko ay naghuhumiyaw sa luha at sakit ang aking damdamin. Tumungo ako sa likod-bahay upang doon ay magpalipas ng sama ng loob; para makapag-isip, at kahit papaano'y maibsan at malimutan ko kahit sandali ang mga pangyayari sa araw na iyon.

Umupo ako sa may kubo namin kung saan tanaw ko ang ilog. Malinis, medyo malakas ang agos dahil sa pagbuhos ng ulan noong nakaraang gabi. Haha, sana isabay na lang ng pag-agos ng tubig ang sakit na aking nararamdaman ng mga kapanuhang iyon. Bigla kong nakita ang isang kapirasong papel at ang aking panulat. Kinuha ko ang mga ito. Tumingin ako sa langit at naramdaman ko ang malamig na hangin na umiihip sa aking balat. Pakiwari ko noon, gusto kong gumawa ng isang eroplanong papel; taglayin ng hangin sa isang lugar kung saan lahat ng problema ko ay maglalaho na parang bula: isang lugar na kung saan, ako ay magiging masaya. Isang lugar na kung saan, wala ka.

Ngunit alam kong ilang eroplanong papel man ang gawin ko, hindi ako nito madadala sa lugar na gusto ko dahil hindi ko masasabi ang pag-ihip ng hangin; hindi ako sigurado sa kung saan ako nito maaaring dalhin.
Biglang nasagi sa aking isip na gumawa ng tula; isulat sa kapirasong papel na iyon ang lahat ng aking nadarama. Lahat ng aking hinanaing at pasakit; lahat lahat na. Lahat na gustong ilabas ng puso ko na halos malunod sa ilog ng luha sa kakaiyak dahil sa iyo.
Inangat ko ang aking panulat; dahan-dahan kong inilapat sa papel at nagsimulang isulat ang isang tula. Isang tula ng paglalaan. Isang tula ng pusong nagmahal ngunit sinaktan. Isang tula na ililimbag ko sa hangin upang mabasa ng langit at ng mga bituin. Isang tula na para sa'yo. Para lang sa'yo.
*************************************************************************************
... kahapon
isang magandang alaala na tila wala ng katapusan
at sa wari ko'y hindi na magwawakas; hindi magtatapos
mga araw na kung saan ang oras ay parang hindi gumagalaw
hindi tumatakbo, nakapako sa bawat sandaling kasama kita
mga sandaling sumpaan ng pagibig na tapat, damdaming mapagmahal
mga sumpaang tunay at wagas na dama ko sa iyong mga haplos
mga sandaling akala ko ay pang-habambuhay, hindi magalalaho
hindi mawawala

... ngayon
singbilis ng paglipas ng araw ang init ng yong pagmamahal,
simbilis ng kidlat ang paglaho nito
isang pagmamahal na inabandona, binalewala, kinalimutan
nilibing sa mga pahina ng kahapon
tadhana nga kaya na mangyari ang ganito?
o sadyang ang damdamin ko bay pinaglaruan mo lang at biniro ng
pagkakataon?
... bukas
pilit kong lilimutin ang bakas ng nakaraan natin,
ang iyong pagmamahal at ikaw
itutuloy ko kung saan ako nadapa, babangon at magsisimula muli
magisa man o may kasama
mahirap man ay pipilitin kong tahakin at buhayin;
ng wala ka sa aking tabi; ang bawat araw
haharapin kung anuman ang nakalaan
at nakasulat sa aking tadhana
...
ito ang libro ng pagibig ng ating kahapon, ngayon at bukas
ang kwentong inukit sa puno ng akasya,
isang librong nilimbag ko sa puso mo at maging ikaw sa akin
kwento ng kahapong kaysaya; kasalukuyang mapait; at ang
walang kasiguraduhang bukas
librong binasa ng langit, ng buwan at mga bituin
ngayon ay kailangan ng itago, kailangan ng limutin
*************************************************************************************
Isang patak ng luha ang aking napansin sa papel na aking pinagsulatan ng tula.

Nasundan pa ng isa, ng isa pa at ng isa pa.

Tatlong patak ng luha ang aking naging tugon habang paulit-ulit kong binabasa ang tula ko para sa'yo.

Muli ay tumingin ako sa ilog. Malakas pa rin ang agos. Malamig pa rin ang hangin na humahampas sa aking balat. Malapit ng lumubog ang haring araw, senyales na ang gabi ay malapit ng sumapit, malapit ng dumating. Malapit ko ng makita ang aking mga gabay; ang langit, ang mga bituin at ang buwan. Tiniklop ko ang papel na pinaglimbagan ko ng tula; tiklop dito, tiklop doon.

Hindi ko napansin na nakabuo na pala ako ng bangkang papel; isang bangkang papel na laman ang istorya ng ating pagmamahalan. Isang bangkang papel na naglalaman ng isang istorya na natapos. Isang istorya ng ating kahapon, ngayon at bukas.

Pumunta ako sa bangkalan dala ang bangkang papel. Saksi ang buwan, ang langit at ang mga bituin, inilapat ko sa tubig at pinanood habang tinatangay ito ng agos. Sa dako pa roon, napansin ko na unti-unti ng nawawala sa aking paningin ang bangkang papel na aking inalay sa ilog.
Isang bangkang papel...

Bangkang papel na ginawa ko ng dahil sa iyo...
Nananalangin sa Dakilang Diyos ng pag-ibig at paglalaan na alisin ang sakit na aking nararamdaman; hipan at taglayin ito ng hangin tulad ng mga dahon sa puno ng akasya; umaasang isabay ito ng agos ng tubig. At sa pagiskat ng haring araw kinabukasan, ay taglay ang bagong umaga at pag-asa; isang librong lilimbagin ko at ng taong magmamahal sa akin habambuhay...
At isang istorya na sana ay hindi mauwi at humantong tulad ng sa atin...
Gaya ng isang bangkang papel...

Wednesday, January 23, 2008

Need Advise on Love, Life or anything else?

Hi...

Do you need advise on love, life or anything else?

Feel free to message me on j.pumpkins@yahoo.com...

Ill try to answer and respond to your questions or problems the sonnest time possible...

Thanks....

Untitled Stupidity

Walking in an empty street where no one passes me by
Staring straight to nothingness with a tear on my eye
As raindrops start to fall, I can feel my body shiver
Im wet but it doesnt matter, I dont care if it rains harder
As I continue to walk, I heard something crash and break
That startled me and somehow makes me awake
I saw a mirror lying on shattered on the floor
I picked it up and saw my broken self once more
Memories of the past started coming back alive
At this moment my past and present have jived
I remember the past and the one who broke my heart
Leaving me alone today, never knowing where to start
I took the chipped mirror and put in place
And once again, I saw my face
In only seconds, the mirror looked fixed and new
I hope its that easy to fix my broken heart too
As I look at the mirror, I saw some breaks
In between the chips and even some missing flakes
Like a wound on a broken heart, I know it will heal
But it will leave a mark I can never conceal
My broken heart will remain broken, and it will remain that way
Wandering through nothingness, lost and astray
Looking for the cure, a person who'll mend the pain
Who'll walk with me in this street, never to leave me in the rain...

Sunday, January 13, 2008

The Life of A Cigarette

I sit by the terrace of our house one day when I saw my lighter and cigarette lying on my table... I garbbed it and started lighting the cigarette; puffed and blew the smoke from it, watching the smoke as it was blown away by the breeze of the wind....


I then remembered my mom and dad when they found out this habit of mine. Hahaha... Just couldnt imagine the looks on their faces when they keep on saying, over and over again that smoking can kill me (well, thats a fact that I do know before being married to my lighter and cigarettes). But still, i continue my bad habit of smoking, smoking and smoking...

I continued what i was doing. Puff by puff, i see that the cigarette stick became shorter and shorter, and i feel like grasping for fresh air. Felt like an invisible hand is grasping my neck; suffocating me yet i dont want to stop what causes my discomfort...

I remember when people used to tell me what to do. J do this and J do that though its against my will to do those things... Its like i am an actor on stage with directors telling what my next act would be... I dont have the freedom of choosing the steps that i would like to take. I am somehow like a remote controlled robot; one press of the button and there i go, one more press and ill stop. Hahaha..

Go against the flow and resist what others say. Follow your own heart and mind though you might fail and commit mistakes. But thats the way; the only way I know to make my way and learn reality on this world.

Yes. It was not easy to go against what other people would like me to be; what THEY would like me to do. But I have my own life, and sooner or later, I have to decide for my own self. Better be free from the chains on my hands and feet from going and grabbing what i want. I have to go out of range from the remote control that orders me what to do and when to do it. I have to think and decide for myself. And the best time to do it is right now. No extensions, no more waiting...

I reached for the ash tray right beside me and put the almost-puffed-up cigarette butt on it. I see as the burnt part turned black and grey as I twist the cigarette butt on the ash tray. I breathe deeply; breathe deeper and deeper till i fill resh air on my lungs. I turned around and closed the terrace doors and thinking about a closed chapter; a book written by other people: a book of different authors where the only character is me.

I headed on our front door, then thinking about the chapter that I have written and started on my own.

I reached to my pocket. Grabbed a cigarette and lit it. Just like the life that I have now; every door I opened is like a new stock of cigarette. Fulfillment is there but whenever i try to consume a stick, failures and trials are just around the corner. Each stick represents a new chapter in my life; lessons learned, failed ideals etc etc...

The life of a cigarette is indeed comparable to my life in a way. A book that is in writing with every stick that I puff. A book that has no definite ending just as to my habit. A choice that I have made. A story that I write, will write, and will finish on my own...